Unibersidad ng Leiden

Ang Unibersidad ng Leiden (Ingles: Leiden University, dinadaglat bilang LEI; Olandes: Universiteit Leiden), na itinatag sa lungsod ng Leiden, ay ang pinakamatandang unibersidad sa Netherlands. Ang unibersidad ay itinatag noong 1575 sa pamamagitan ni William, Prinsipe ng Orange, pinuno ng Pag-aalsang Dutch noong Walumpung Taong Digmaan. Ang maharlikang pamilyang Dutch at Unibersidad ng Leiden ay merong malapit na relasyon; dating mga mag-aaral sina Reyna Juliana at Beatrix at si Haring Willem-Alexander. Ang unibersidad ay naging tanyag noong Ginintuang Panahon ng mga Dutch, kung saan ang mga iskolar mula sa buong Europa ay naaakit sa Republikang Dutch dahil sa klima nito ng intelektwal na toleransya at pandaigdigang reputasyon ng Leiden. Sa panahong oras na iyon ang Leiden ay tahanan ng mga kilalang pigura tulad nina René Descartes, Rembrandt, Christiaan Huygens, Hugo Grotius, Baruch Spinoza at Baron d'Holbach. Ang Unibersidad ng Leiden ay may pitong fakultad, at higit sa 50 kagawaran. Ang unibersidad ay isang miyembro ng Coimbra Group, Europaeum at League of European Research Universities. Ang Unibersidad ng Leiden ay nagtataglay ng higit sa 40 pambansa at internasyonal na mga surian sa pananaliksik. Ang Unibersidad ay nauugnay sa sampung lider at Punong Ministro ng Netherlands kabilang na ang kasalukuyang si Mark Rutte, siyam na dayuhang lider, kasama ng rito ang ika-6 na Pangulo ng Estados Unidos, John Quincy Adams, isang Pangkalahatang Kalihim ng NATO, isang Pangulo ng Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan, isang Punong Ministro ng United Kingdom, at labing-anim na tumanggap ng Nobel Prize (kabilang ang mga kilalang pisisistang sina Albert Einstein at Enrico Fermi).


Developed by StudentB